Hiniling ni Assistant Minority Leader Arlene Brosas na ipagpaliban muna ang nakaambang na pagtataas sa kontribusyon ng PhilHealth premium ngayong Hunyo.
Aabot sa P400 hanggang P3,200 ang kaltas sa sahod ng mga empleyado simula sa Hunyo at retroactive ito mula Enero hanggang Mayo.
Giit ng kongresista, mas lalong mahihirapan ang mga manggagawa na may mababang sahod at nababaon pa lalo sa hirap dulot ng nagtataasang presyo ng mga produkto at serbisyo.
Sinabi pa ng Gabriela lady solon na mababalewala ang ₱33 kada araw na dagdag sahod sa National Capital Region (NCR) bunsod ng premium hike ng PhilHealth.
Punto pa ng mambabatas, ang pagpapaliban sa pagtataas ng PhilHealth premium ay napakahalaga ngayon sa gitna na rin ng magkakasunod na pagtaas sa presyo simula Enero at ang hindi pa nareresolbang kontrobersiyang kinasangkutan ng state health insurer.