Ibinasura ng Supreme Court en banc ang inihaing Petition for Certiorari and Prohibition ng grupong Kilusang Mayo Uno na humihirit na ipawalang bisa ang umento sa premium contribution ng mga miyembro ng Social Security System o SSS na naging epektibo noong Jaruary 2014.
Denied din ang hirit ng grupo na Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Injunction.
Idineklara ng en banc na valid ang mga inilabas na resolusyon ng SSS na may petsang April 19, 2013 na nagpapahintulot sa umento sa kontribusyon ng mga miyembro ng SSS.
Binigyang diin ng SC na hindi pinapayagan ang tinatawag na ¨collateral attacks¨ sa mga batas na ipinagpapalagay na valid.
Ayon pa sa Korte Suprema, mistulang collateral attack ang ginawa ng mga petitioner sa pagkuwestiyon sa validity ng Social Security Act o RA 8282.
Sinabi ng SC na ang Section 18 ng Social Security Act ay nagbibigay ng kapanyarihan sa Social Security Commission o SSC na magtakda ng minimum at maximum na halaga ng buwanang salary credits at contribution rate ng mga miyembro nito.