Premyo ng 5th at 6th winners ng Extended Bisekletrabaho Promo, ihahatid ngayong araw

Tuloy ang paghahatid natin ng saya dahil makukuha na rin ng dalawa pang winner ang kanilang bisekletang napanalunan.

 

Kaugnay pa rin ito ng “Extended Bisekletrabaho Year 3 Promo: Anibersaryong Handog ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho”.

 

Papunta na ngayon ang Radyo Trabaho team sa ating 5th at 6th winner para ihatid ang kanilang bagong bike, cash at ACS products.


 

Ito ay sina Luisa Estacion ng Brgy. Additional Hills, Mandaluyong City na isa sa mga napiling on ground participants.

 

Kasama rin sa pupuntahan ang online winner na si Hazel Francisco ng Valenzuela City.

 

Nitong Miyerkules, personal na tinanggap ni Jocelyn Santiago ng Cavite ang kanilang premyo.

 

Ang “Extended Bisekletrabaho Year 3 Promo” ay maagang pamasko handog ng DZXL 558 Radyo Trabaho, former speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at ng ACS Manufacturing Corporation.

Facebook Comments