PREPARADO | PUV modernization program, kayang maipatupad sa loob ng 3 taon – DOTr

Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) na kaya nito na maipatupad ang PUV modernization program sa loob ng tatlong taon.

Taliwas ito sa lumabas sa pagdinig hinggil dito ng Senado kahapon.

Ayon kay DOTr Usec. for Land Transportation Tim Orbos, matagal nang handa ang lahat ng ahensiya na tumingin sa negatibo at positibong aspeto ng PUV modernization.


Sa katunayan, sa Enero ng 2018, ang mga jeepney na hindi makakapasa sa 60 points road worthiness sa gagawing motor services inspection service ay hindi na papayagang pumasada.

May mga jeepney pa rin na makikita sa kalsada pero tiyak na mga road worthy na ang mga ito.

Pasisimulan na rin ang capacity build up sa mga LGU kaugnay ng ipatutupad na route rationalization.

Isasabay din dito ang capacity build up sa mga jeepney drivers na gustong pumaloob sa programa.

Facebook Comments