PREPARASYON PARA SA 2024 PROYEKTO AT PROGRAMA SA EDUCATIONAL SECTOR SA DAGUPAN CITY, INUMPISAHAN NANG PAG-USAPAN

Tinalakay na ng mas maaga ang mga proyekto at mga programa pagdating sa sektor ng edukasyon sa lungsod ng Dagupan para sa taong 2024.
Inumpisahan ang preparasyon sa mga magiging prayoridad na proyekto at anim na taon Comprehensive Development Plan na siyang bahagi ng suporta lokal na pamahalaan sa edukasyon.
Naglalayon ang pagsasagawa ng maagang preparasyon na ito na maisiguro na ang mga paaralan sa naturang lungsod ay may pondo na kanilang kakailanganin pati na rin ang mga pangunahing proyekto at programa na makatutulong sa mga guro at estudyante.

Nasa naturang pagpupulong naman ang DepEd Schools Division Office, National Association of Public Secondary School Heads Inc. (NAPSSHI), Public Elementary School Principals Association (PESPA), Federated Parent Teachers Association (FPTA), Executive Assistant at Former City Budget, City Engineer at City Treasurer ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments