Manila, Philippines – Sinagawa ang preparatory ASEAN Economic meeting para sa 31st ASEAN Summit sa Marriott Hotel, Pasay City
Pinamunuan ni DTI Secretary Ramon Lopez ang pagpupulong kasama ang mga Economic Ministers ng ASEAN member Countries – kabilang ang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam.
Sa kanyang opening remarks, pinagmalaki ni Lopez ang naging progress tungo sa pagbuo ng ASEAN Economic community 2025 kasama na ang mga ikakasang Sectoral Action Plan at Consolidated Strategic Action Plan para dito.
Napagkasunduan ring i-upgrade at pagbutihin pa ang mga existing Free Trade Agreements o FTAs sa rehiyon at paigtingin ang mga hakbang para makumpleto ang mga ongoing FTA negotiations.
Ngayong taon, ilan sa mga pangunahing agenda ay ang paghahanda para 15th SEC Council, pagtalakay ng issues sa mga FTA Negotiations gayundin ang pag-amyenda sa ASEAN-Japan Comprehensive Economic Partnership Agreement at sa Regional Comprehensive Partnership.
Samantalang kailangan pang plantsahin ng konseho ang paghahanda para sa informal AEM METI Japan Consultations na gaganapin ngayong araw at ang paghahanda para sa RSET leaders’ Summit na gaganapin sa Martes, November 14.