Maaari nang makabili ang publiko ng traditional Chinese drug na Lianhua Qingwen mula sa mga botika kahit walang prescription mula sa mga doktor.
Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, inalis ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang Chinese drug mula sa mga gamot na kina-classify bilang ‘dangerous drugs.’
Ang S2 prescription ay kailangan para makabili ng ilang hamful drugs at tanging mga doktor na lisensyado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) lamang ang pwedeng mag-isyu nito.
Ang Lian Hua ay naglalaman ng ephedrine, isang substance na tinukoy ng 1988 United Nations Convention against Illicit Traffic in Narcotic Drugs na isa sa mga kemikal na ginagamit para sa paggawa ng narcotic drugs.
Ang Ephedrine ay isa sa components ng shabu.
Ang nasabing Chinese herbal drug ay nakarehistro sa FDA bilang “traditional medicine” para sa pulmonary conditions, tulad ng lagnat at sipon.
Pero nilinaw ng health officials na hindi ito aprubadong gamot para sa COVID-19 sa Pilipinas.