Presensya ng Chinese military sa West Philippines Sea, hindi nangangahulugang pagmamay-ari na nila ang lugar – Palasyo 

Iginiit ng Malacañang na ang anumang presensya ng Chinese military sa pinagtatalunang West Philippines Sea ay hindi nangangahulugang pagmamay-ari na nila ang nasabing teritoryo. 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang 2016 Arbitral Ruling na ibinaba ng Permanent Court of Arbitration na nagbabasura sa ‘nine-dash’ line claims ng China ay bahagi na ng International Law. 

Nandiyan na ang panalongyan at hindi natinyan babalewalain. Kahit anong sabihin ng kahit sino na hindi nila kikilalanin ang desisyon nayan, ang katotohanan, I go back to Article 38 of the ICJ (International Court of Justice) charter, ‘yan ay ebidensya ng existence of a customary norm at hindi na pupuwedeng burahin,” ani Roque. 


Binanggit ni Roque ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 75th United Nations General Assembly na kahit anong pag-ookupa sa mga pinag-aaagawang isla ay hindi magiging valid legal title. 

Pagdating sa presensya ng Chinese Coast Guard sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas, sinabi ni Roque na kinikilala ng Pilipinas ang freedom of navigation. 

Facebook Comments