Alam ng Department of National Defense ang ginagawang paglalayag ng mga Chinese vessels sa Pag-asa island sa West Philippine Sea.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana patuloy ang ginagawang monitoring ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines sa karagatang sakop ng Pag-asa.
Nakikipag ugnayan na aniya ang DND sa Department of Foreign Affairs para ipaalam ang aktibidad ng mga chinese vessels sa Pag asa nang sa ganun makagawa ng nararapat na hakbang para rito.
Umaasa si Lorenzana na rerespetuhin ng ibang mga bansa gaya ng China ang international obligations at protocols sa paglalayag sa mga sa international waters gaya ng Pag-asa.
Kinakailangan din aniya na maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan o mabawasan ang tensyon sa pagjtan ng ibang bansa.
Hinihikayat naman ni Lorenzana ang nga mangingisdang pinoy na patuloy na mangisda sa sa karagatan sakop ng Exclusive Economic Zone.