Presensya ng Chinese vessels sa teritoryo ng Pilipinas, pinapaimbestigahan ng isang senador

Inihain ngayon ni Senator Risa Hontiveros ang Senate Resolution Number 1035 na nagsusulong ng imbestigasyon ng senado sa presensya ng Chinese vessels sa teritoryo ng Pilipinas.

 

Batayan ng hakbang ni Hontiveros ang report na umaabot na sa 600 Chinese vessels ang nasa paligid ng Pag-asa Island simula pa noong January.

 

Tinukoy ni Hontiveros, ang impormasyon na may mga Chineses vessels ang sangkot sa ilegal na pangingisda sa ating karagatan at pagsira sa ating coral reefs at iba pang marine resources.


 

Binanggit din sa resolusyon ni Hontiveros ang dredging operations ng isang barko ng China sa Lobo, Batangas.

 

Target ng isinusulong ni Hontiveros na pagdinig ng senado na mailatag ang aksyon ng gobyerno para protektahan ang kapakanan, soberenya at likas na yaman ng ating bansa.

 

Facebook Comments