Viral video na nagdadawit kay Paolo Duterte sa droga, hiniling na paimbestigahan sa Kamara

Nanawagan ang Magdalo Partylist sa Kamara na imbestigahan ang kumalat na video kung saan nakakaladkad nanaman ang pangalan ng anak ni Pangulong Duterte na si Paolo Duterte.

 

 

Mababatid sa video na may pamagat na “Ang Totoong Narco-list” na isang Bikoy ang naghayag na dawit sa malaking transaksyon ng iligal na droga sa bansa si Paolo.

 

 

Nababahala ang grupo na kung sino pa ang nasa administrasyon ay siya pang nasasangkot sa iligal na droga sa kabila ng gyera kontra droga.


 

 

Mainam na magkaroon ng imbestigasyon dito at makuha ang mga dokumento ng transaksyon ng sindikato para malaman kung totoong sangkot dito ang anak ng Pangulo.

 

 

Dapat ding maliwanagan ang taumbayan sa mga agam-agam na bumabalot sa first family at ang pagkakaroon ng imbestigasyon ang tamang forum para makapagpaliwanag si Paolo.

 

 

Matatandaang hindi ito ang unang beses na idinawit ang dating Bise Alkalde ng Davao City sa iligal na droga dahil lumutang din ang pangalan nito sa P6.4 Billion shabu smuggling sa Customs.

Facebook Comments