Presensya ng mga kongresista sa distribusyon ng ayuda, idinepensa ng isang mambabatas

Ipinagtanggol ni House Deputy Speaker at Isabela 1st District Tonypet Albano ang presensya ng ilang kongresista sa distribusyon ng mga ayuda ng gobyerno.

Paliwanag ni Albano, may “oversight powers” ang Kongreso para tiyakin na ang bawat piso ay nailalaan o napupunta sa mga nararapat na tao alinsunod sa patakaran ng mga programa na nilaanan nila ng pondo.

Sabi ni Albano, ang pamamahagi ng ayuda ay mandato ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaya malinaw na hindi naman ang mga senador o kongresista ang nagbibigay ng ayuda.


Ang pahayag ni Albano ay tugon sa puna ni dating Sen. Panfilo Lacson sa mga politiko na dumadalo sa pamamahagi ng ayuda na aniya’y ilegal at “unconstitutional.”

Facebook Comments