Presensya ng mga pulis sa mga lugar na dadagsain ng mga tao ngayong Holiday season, palalakasin – JTF COVID Shield

Dodoblehin pa ng Joint Task Force COVID Shield ang presensya ng mga law enforcers sa mga “areas of convergence” o sa mga lugar na dinadagsa tuwing holiday season.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lieutenant General Cesar Binag, ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas na dagdagan ang kanilang mga tauhan sa malls, public markets, ports, seaports, at terminals.

Aniya, layon nito na matiyak na nakakasunod ang publiko sa ipinatutupad na minimum health standards ng pamahalaan at para maiwasan ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.


Maliban dito, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga hepe ng pusliya para sa pagpapatupad ng quarantine protocols gaya ng age restriction.

Nabatid na una nang nagpakalat ang PNP ng 229 law enforcers sa Divisoria matapos mag-viral sa social media ang mga larawan nang pagdagsa ng mga mamimili at kawalan ng social distancing.

Facebook Comments