Presensya ng Philippine Navy sa West Philippine Sea, mas paiigtingin ayon sa AFP

Mas maraming miyembro ng Philippine Navy na sakay ng kanilang mga barko ang ide-deploy sa mga islang pinag-aagawan sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Lieutenant General Cirilito Sobejana sa harap na rin nang pinaiiral na bagong batas ng China na pinapayagan nang armasan ang kanilang coast guard personnel.

Ayon kay Sobejana, nakakaalarma ito lalo at tumutungo lang naman sa area ng West Philippine Sea ang mangingisdang Pilipino para maghanap buhay at hindi para maghamon ng away sa mga Chinese Coast Guard.


Giit ni Sobejana gagawin lahat ng militar ang kanilang makakaya para gawin ang kanilang misyong protektahan ang mga Pilipino.

Nililinaw naman ni Sobejana na ang pagdami nang ideneploy na Navy sa West Philippine Sea ay hindi para makipagyera sa China; sa halip para lamang protektahan ang mga Pilipino.

“I should say it’s a very irresponsible statement dahil ang ating mga kababayan ay hindi naman pumunta sa lugar na iyan sa disputed area para makikipaggiyera kung hindi naghahanapbuhay. So, ang gagawin natin as part of our mandate to secure the people, increase po natin iyong ating visibility through the deployment of more naval asset,” sabi ni Sobejana.

Facebook Comments