Naniniwala si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na kailangan ng matibay na presensya ng United States Military sa Asya.
Ayon kay Locsin, makikinabang dito ang Pilipinas lalo na at patuloy ang mga agresibong aktibidad ng China sa pinagtatalunang South China Sea.
Bagamat matibay ang military partnership ng Pilipinas sa Estados Unidos, tinatanggap ni Locsin ang economic opportunities na ini-aalok ng China sa bansa.
Binanggit din ni Locsin ang Mutual Defense Treaty kung saan magkatuwang ang Pilipinas at US sakaling may maagrabyado sa isa sa kanila.
Facebook Comments