Presensya ni Abu Sayyaf leader Anduljihad Susukan sa bahay ni MNLF founder Nur Misuari sa Davao City, iimbestigahan ng PNP

328

Iimbestigahan ng mga otoridad kung bakit kasama ni Moro National Liberation Front (MNLF) founder Nur Misuari sa kanyang bahay sa Davao City ang naarestong si Abu Sayyaf Group leader Anduljihad “Edang” Susukan.


Ayon kay Davao City Police Chief Col. Kirby John Kraft, kabilang sa beberipikahin nila ay ang impormasyong Abril pa umano nakatira sa bahay ni Misuari si Susukan na galing naman sa Jolo, Sulu.

Samantala, anumang oras ngayong araw ay iba-biyahe papuntang Manila si Susukan.

Bago ito, isasailalim muna siya sa medical check-up sa Camp Quintin Merecido Hospital sa Davao.

Si Susukan ay mayroong warrant of arrest para sa 23 kaso ng murder, limang kaso ng kidnapping and serious illegal detention at anim na kaso ng frustrated murder.

Wanted din siya sa kasong kidnapping na naganap sa east coast ng Sabah noong 2013 at iba pang krimen sa Jolo, Sulu.

Facebook Comments