PRESERVE WHAT WE HAVE | Pangasinan Governor naging emosyonal sa kanyang talumpati!

Ngayong araw ginanap nga ang pagdiriwang ng ika-438th Agew na Pangasinan. Sinumulan ito sa pamamagitan ng isang misa na pinangunahan ni Bishop Ricardo L. Baccay ng Diocese of Alaminos City na sumentro ang mensahe sa healing at pagpuri sa magandang kalagayan ng probinsya.

Sinundan ito ng isang commemorative program na inumpisahan ni Vice Governor Calimlim ng isang madamdaming paggunita sa naiambag ng ina ni 5th District Cong. Espino Jr. sa lalawigan. Sa talumpati ng bise gobernador binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ambag sa pagpapaunlad ng ating lalawigan.

Samantala bilang ama ng probinsya ay nagbigay ng maikli ngunit malamang mensahe si Gov. Amado Pogi Espino III na hindi napigilang maging emosyonal ng mabanggit ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya. Makailang beses itong napatigil sa pagtatalumpati at halatadong nagpipigil sa pag-iyak sa pag-alala nito sa kanyang mahal na lola na pumanaw ngayong linggo.


Sumentro ang maikling talumpati ng gobernador sa pakiusap na makipagtulungan sa pagkumbinsi ng bawat pangasinense na makiambag sa pag-preserve at pagpapaunlad pa ng lalawigang pangasinan. Hindi lamang kakayanin ng provincial government ang labang ito kaya hinimok nito ang lahat ng mga personalidad at institusyon na tulungan silang opisyales na maisakatuparan ang mga mithiin nitong gawing sentro ng trabaho, komersyo, at lugar na masarap tirahan ang Pangasinan.

Dahil sa hindi nakadalo si 5th District Cong. Amado T. Espino Jr. na siyang panauhing pandangal sa nasabing okasyon, pinaabot na lamang ng gobernador ang mensahe ng pagbati at mga pakiusap ng ama sa mga oposyales at bawat pangasinense.

Matapos ang maikling programa sa Sison Auditoruim sinundan ito ng pagpapasinaya ng bagong atraksyon sa Capitol Ground ang Abong na Dayew at Hall of Fame Exhibit sa harapan mismo ng Urduja House na official residence ng gobernador.

Happy 438th Agew na Pangasinan!

Facebook Comments