President BBM, tiniyak na mananatili ang commitment sa mga allied countries katulad ng China at Amerika

Mas magiging malalim pa ang samahan ng Pilipinas sa mga allied countries katulad ng China at Amerika.

Ito ang tiniyak ni President Ferdinand Marcos Jr., matapos ang magkakahiwalay na pagpupulong sa mga foreign diplomats at dignitaries simula nang umupo nitong June 30.

Sa isang Facebook post, sinabi ni President BBM na great pleasure ang makipag pulong kina Chinese Vice President Wang Qishan, Thai Deputy Prime Minister Don Pramudwinai, Japanese Foreign Minister Yoshimasa Hayashi, Australian Governor-General David Hurley, at United States Second Gentleman Douglas Craig Emhoff.


Umaasa ang Pangulo na mas magiging malalim ang samahan ng mga kaibigang bansa para sa mutual interest at kapakanan ng mga tao.

Nakipagpulong rin ang pangulo sa mga dating security officers sa Palasyo ng Malacañang na una nang nagsilbi sa sa kanyang ama na si President Ferdinand Marcos Sr.

Ilan dito ay sina dating security escort officers Capt. Mervyn Espadero, Lt. Col. Delmar Magno, 1st Lt. Menandro Espineli, at Lt. Col. Fe Castro.

Si Castro ay dating presidential nurse ni Marcos Sr., habang si Magno ay dating sa Office of the Senior Aide-de-Camp na nagsilbing presidential nurse ni dating first lady Imelda Marcos.

Si Espineli, naman ay dating-security officer ng presidential sister, na si Irene Marcos-Araneta.

Facebook Comments