President-elect Ferdinand Marcos Jr., pansamantalang uupong kalihim ng DA

Inanunsyo ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., na pansamantala muna niyang pamumunuan ang Department of Agriculture (DA).

Sa press briefing sa Bongbong Marcos (BBM) headquarters sa Mandaluyong City, binigyan diin ni Marcos Jr., na sa ngayon maraming dapat tutukan sa sektor ng agrikuktura partikular ang pagpapalakas ng produksyon ng pagkain.

Aniya, mahalaga ang magiging papel ng agrikultura bilang kritikal na pundasyon ng ekonomiya.


Ani Marcos, napipinto ang isang krisis sa pagkain na magreresulta ng pagtaas ng food prices sa susunod na mga kwarter ng 2022.

Tinukoy ni Marcos ang mga panlabas na kaganapan na may direktang epekto sa suplay ng pagkain sa mundo.

Plano rin ng nahalal na pangulo na i-restructure ang Department of Agriculture.

Giit ni Marcos, maraming tanggapan sa ahensya ang nagbago na ang mga pag-andar o gawain sa paglipas ng panahon at kailangang magpanibago upang maiakma sa hamon ng makabagong panahon

Sa Sa ika-124th Founding Anniversary ng DA ngayong araw, pormal nang nagpaalam at nagpasalamat si Sec. William Dar.

Facebook Comments