President Marcos, vineto ang panukalang batas na magtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport

Ni-reject ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang House Bill (HB) 7575 na naglalayong magtayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport sa lalawigan ng Bulacan.

Sa veto message ng pangulo, sinabi nitong ang probisyon ng panukalang batas ay walang consistency sa existing laws, rules, and regulations at walang probisyon para sa pag-audit ng Commission on Audit (COA).

Wala rin aniyang procedures para sa expropriation of lands na awarded sa Agrarian Reform Beneficiaries, at walang master plan para sa specific boundaries ng economic zone.


Sinabi pa ng pangulo na ang Proposed Economic Zone ay matatagpuan malapit sa Clark Special Economic Zone, na labag sa government’s policy sa pagbuo ng special economic zones sa mga strategic locations.

Kaya naman daw kahit makakatulong ito sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi niya ito sinuportahan.

Facebook Comments