Operasyon ng Konsulada ng Pilipinas sa Macau, pansamantalang sinuspinde dahil sa COVID-19 cases

87

Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Consulate sa Macau ang operasyon ng konsulada mula July 3 hanggang July 7, 2022.

Sa harap ito ng tumataas na kaso ng COVID-19 doon.

Maging ang operasyon ng Philippine Overseas Labor and Office – Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA) sa Macau ay pansamantala ring suspendido mula bukas hanggang sa Huwebes.


Pinapayuhan naman ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na may appointment sa nasabing mga petsa na makipag-ugnayan muna sa Konsulada.

Facebook Comments