Africa – Uupong muli bilang Presidente ng State of Rwanda sa Africa si President Paul Kagame sa ikatlong beses nitong pagkapanalo sa katatapos lamang na election noong Biyernes.
Ayon sa electoral commission, 98% na boto ang nakuha ni President Kagame sa partial result pa lang.
Ito ay dahil karamihan sa mga African ang naniniwala na siya ang nagdala ng pagbabago sa kanilang bansa partikular na sa pagpapaganda ng ekonomiya simula noong 1994 genocide.
Sa ika-17 taong panunungkulan ni President Kagame ipinangako nito na mas palalaguin pa niya ang ekonomiya ng Africa.
Kabilang sa mga nakalaban ni Kagame, si Frank Habineza, mula sa democratic green party at si Philippe Mpayimana, isang independent.
Dahil walang pambato ang walo pang opposition parties, sinuportahan ng mga ito si Kagame.