President Rodrigo Duterte, byaheng Mindoro ngayong araw

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang aktibidad ngayon sa Mindoro.

Una sa listahan ang inagurasyon ng ilang integrated seaport development projects kabilang na ang Port of Abra de Ilog, Port of Calapan, Port of Balatero, Port of Bansud, Port of Bulalacao, Port of Mansalay, at Port of Roxas.

Iinspeksyunin din ng pangulo ang pinalawak na Port of Calapan Passenger Terminal Building na ngayon ay maaari nang makapag-accomodate ng hanggang 3,500 pasahero.


Matapos dito ay tutungo naman ang pangulo sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol sa Mindoro para sa Joint National Task Force-Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Mimaropa.

Makakasama ni PRRD sina Senator Go, Department of Transportation o DOTr Sec. Tugade, PPA General Manager Santiago at mga lokal na opisyal ng Mindoro.

Facebook Comments