President Rodrigo Duterte, magbibigay ng dagdag pabuya sa gymnast na si Carlos Yulo

Makakakuha pa ng dagdag na insentibo si Carlos Yulo, ang Filipino gymnast na nakasungkit ng ginto at pilak na medalya sa 2021 Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Kitakyushu, Japan.

Ito ang pagtitiyak ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Ayon sa kalihim paniguradong makakakuha ng additional cash incentives si Yulo mula sa presidente.


Sinabi pa nito na lahat ng mga nagwawagi sa international events ay may nakukuhang pabuya mula sa Office of the President.

Sa ngayon, pagpupulungan pa sa Office of the Executive Secretary kung magkano ang karagdagang incentive na ibibigay ng presidente kay Yulo.

Una nang sinabi ng Philippine Sports Commission (PSC) na mag-uuwi si Yulo ng P750,000 cash gift dahil sa kanyang double-medal win.

Facebook Comments