Inihain ni Senator Panfilo Lacson ang Senate Bill 26 na naglalayong amyendahan ang Republic Act 1405 o ang Bank Secrecy Law na sinimulang ipinatupad noon pang 1955.
Partikular na nais pabago ni Lacson ang bahagi ng batas na nagbabawal sa mga bangko na isiwalat ang mga bank accounts ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan.
Mula ito sa Pangulo hanggang sa may pinakamababang ranggo na empleyado, pati na rin ang mga kawani ng government-owned and controlled corporations at mga militar at pulisya.
Ang hakbang ni Lacson ay tugon sa patuloy na katiwalian sa pamahalaan kung saan ilan sa nga opisyal at empleyado ay nagagawang magtago ng kanilang ilegal na yaman gamit ang bank secrecy law.
Facebook Comments