Presidente Duterte humingi ng tawad sa taga Marawi dahil sa pagdeklara nito ng Martial Law sa Mindanao

ILIGAN CITY- Humingi ng tawad ni Presidente Rodrigo Duterte sa mga naging biktima ng kagulohon sa lungsod ng marawi.
Isa sa kanyang hiningi ng tawad ay ang pagdeklara nito ng martial sa Mindanao.
Ito’y dahil hindi na aniya mahitsura at sinisira na ang marawi ngayon dahil sa bakabakang nangyayari sa pagitan ng mga military at gropong maute.
Humingi ng tawad kahapon si Presidente Duterte sa harap ng mga Internally Displaced Persons o IDPs na nasa Iligan City School of Fisheries sa barangay buruun.
Ayon sa presidente, sana ay mapatawad sila ng mga taga marawi ang lalong lalo na ang kanyang mga sundalo, ang gobyerno at siya mismo.
Hindi nagpatinag sa malakas na ulan ang pagbisita ng pangulo kahapon sa lungsod at siya personal ang namahagi ng cash assistance para sa mga IDPs.(GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC ILIGAN)

| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments