Patuloy ang panawagan ng pamilya Mangudadatu ng hustisya para sa kanilang mga kaanak na walang awang pinatay sa Sitio Masalay, Baranggay Salman Ampatuan noong November 23, 2009.
Kaugnay nito umaasa ang pamilya na makakamit na nila ang matagal ng isinigaw na katarungan sa ilalim ng Dutertes Administration sa naging panayam ng RMN DXMY kay Maguindanao 2nd District Board Member King Jhazzer Mangudadatu, anak ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.
Nararapat na dapat maibigay na ang hustisya sa lahat ng mga kaanak ng naging biktima ng tinaguriang Maguindanao Massacre giit ni Board Member Mangudadatu. Matatandaang kabilang ang ina ni Board Member sa napaslang sa madugong insidente.
Hinikayat naman ng batang Mangudadatu si Presidente Duterte na bisitahin ang Maguindanao Massacre Site kasabay ng kanilang gagawing seremonya bilang paggunita sa ika pitong taon sa susunod na linggo.
Noong araw ng sabado kasabay ng kanilang wedding anniversary ng maayapang maybahay, nag post sa kanyang facebook si Gov. Toto , “Its our 26th year wedding Anniversary today.my only wish is to get the JUSTICE the soonest”.