Humingi ng tawad si Presidente Duterte sa mga Vietnamese Fishermen Miyerkules ng hapon sa Ceremonial Send off ng mga ito sa Sual Pangasinan dahil sa pagkakasawi ng dalawa nilang kasamahan noong Setyembre 22 dahil sa illegal na pangingisda sa teritoryo ng Pilipinas. “We are one, we are asians. I’m sorry for the incident. I hope it will never happen again but This incident will not destroy our relationship. “ aniya ni Presidente Duterte.
Limang Vietnamese Fishermen ang personal na I send off ni Duterte Nobyembre 29, 2017. Ang limang mangingisda na ito ay kinukupkop ng LGU ng Sual Pangasinan sa loob ng higit dalawang buwan. Ayon kay Department of Social Welfare and Development o DSWD Under Secretary Eduardo Gongona mayroong bigas, isda, mantika, gulay at tubig na pabaon sa mga ito para sa walong araw na paglalakbay nila pabalik sa Vietnam.
Ang halaga ng mga pabaon sa mga limmang Vietnamese Fishermen ay umaabkt sa 15,000. Naging masaya naman ang Vietnamese Ambassador na si Ly Quoc Tuan sa nangyaring send off ng limang mangingisda at pinasalamatan ang LGU ng Sual Pangasinan sa pagtanggap ng mga ito sa limang mangingisda. Noong Nobyembre 2, 2016 naganap rin ang send off sa 17 na mangingisda sa parehas na bansa.