Nakatakdang bumisita sa Pilipinas ang presidente ng South Korea na si President Yoon Suk Yeol.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), ngayong taon o sa susunod na taon ay inaasahan ang pagbisitia ni South Korean President Yoon Suk Yeol.
Ito ay bilang pag-alala sa ika-75 anibersaryo ng relasyon ng South Korea at Pilipinas.
Ang nakatakdang pagbisita ng Korean president sa bansa ay inanunsyo ni South Korean Ambassador -Designate Lee Sang-Hwa kasabay ng kanyang presentation ng credentials kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon pa sa PCO na bukod sa pagtungo sa Pilipinas, inaasahan namang magkikita rin sina South Korean President Yoon Suk Yeol at Pangulong Marcos sa gaganaping Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Nobyembre sa Estados Unidos.
Kaugnay nito, inihayag din ni Ambassador Lee kay Pangulong Marcos na bibisita rin sa Pilipinas ngayong taon sina South Korean National Assembly Speaker Kin Jin-Pyo at South Korean Foreign Minister.
Ito ay para makipagpulong sa kanilang counterpart sa Pilipinas na magpapalakas ng kanilang magandang relasyon.