SITG 990, binuwag na ng PNP

Terminated na ang trabaho ng Special Investigation Task Group (SITG) 990.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kasunod na rin ng pagretiro sa serbisyo ng hepe ng SITG 990 na si Police Major General Eliseo Cruz.

Ayon kay Acorda, sa halip na task force ng PNP, magkasama nang nag-iimbestiga ang PNP at National Police Commission hinggil sa pinagmulan ng 990 kilos ng shabu.


Paliwanag ni Acorda, patuloy ang kanilang pangangalap ng impormasyon sa pinakamalaking shabu raid sa kasaysayan ng bansa.

Sa ngayon, nasa 69 kaso na ang kanilang naisampa sa mga personalidad na may kinalaman sa 990 kilos na shabu raid sa Maynila partikular sa lending shop na pagma-may-ari ng sinibak na si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo.

Facebook Comments