Presidente ng Zimbabwe na si Robert Mugabe at sinibak na Bise Presidente na si Emmerson Mnangagwa, nakatakdang magkita

Zimbabwe – Nakatakdang magkita sina Zimbabwean President Robert Mugabe at sinibak niyang si Bise Presidente na si Emmerson Mnangagwa.

Ayon kay Army Chief Constatinto Chiwenga – inaasahang papakiusapan ni Mnangagwa ang 93-year old president na bumaba na sa puwesto para matapos na ang political crisis sa Zimbabwe.

Matatandaang nagkaroon ng military intervention sa nasabing bansa matapos na sibakin ni Mugabe si Mnangagwa kung saan ipinalit sa puwesto ang asawa niyang si Grace.


Ngayong araw, inaasahang masisimulan na ang impeachment proceedings kay Mugabe.

Facebook Comments