Presidentiable aspirant Senador Ping Lacson, inamin na noon pa man ay idol na niya si Vice Presidentiable Tito Sotto.

Inamin ni Presidential Aspirant Senador Panfilo Lacson noon pa man idol na niya si Vice Presidential Aspirant Senador Vicente Tito Scott III pagdating sa pagpapmatawa.

Ayon kay Lacson natatawa naman siya pero depende sa timing ng kanyang mode at sa diskarte ng pagpapatawa ng isang komedyante.

Inihalimbawa pa ni Lacson ang kanyang runningmate na si Sotto na napapatawa siya sa mga pelikulang nagawa ni Sotto at ang mga joke niya sa senado.


Isa rin sa nagpapatawa aniya kay Lacson mukha pa lamang at hindi pa nagsasalita ang komedyante na si Diego.

Natalakay din ni Lacson ang usapin sa kakayahan at talento ng Filipino na hindi napapakinabangan ng Pilipinas dahil sa nare-recruit ng ibang bansa sa halip na masuportahan ng gobyerno.

Tinukoy din ni Lacson ang talamak na kurapsyon sa mga proyekto ng gobyerno.

Paliwanag ni Lacson na nakakapanghinayang ang mga nawawaldas na pera na napupunta lamang sa kurapsyon.

Giit pa ni Lacson na dapat ang susunod na lider ay may political will para mawala ng tuluyan ang kurapsyon sa mga proyekto ng gobyerno at malinis ng tuluyan ng hanay ng gobyerno.

Facebook Comments