Presidential Aspirant Ferdinand “Bong bong” Marcos Jr., may pangako sa publiko sakaling maging pangulo

Nangako si Presidential Aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ira-rationalize ang buwis at ilalaan ang bahagi ng Internal Revenue Allotment (IRA) sa Micro, Small Medium Enterprises (MSME) kapag siya ang naging susunod na pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Marcos, dapat bigyan ng amnesty ang MSMEs na naapektuhan ng pandemya at i-rationalize ang istraktura ng pagbubuwi sa maliliit na negosyo.

Sa ganitong paraan aniya ay makahihikayat ang mga may maliliit na negosyo na sumunod sa mga requirements sa buwis at pataasin ang kanilang credit rating.


Iginiit pa ni Marcos na dapat hindi patawan ng VAT ang produkto ng MSMEs, tulad ng mga kooperatiba na kumikita ng P10 milyon o mas mababa.

Naniniwala rin si Marcos na maaaring gamitin ang bahagi ng IRA ng mga lokal na pamahalaan para tulungan ang MSMEs, lalo pa’t madadagdan na ang kanilang alokasyon sa ilalim ng Mandanas ruling.

Facebook Comments