Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., in-adopt ng Lakas-CMD

175

Nagpasa na ng tatlong Resolusyon ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) Party.

Isa sa kanilang ipinasang resolusyon ang pag-a-adopt kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tumatakbong sa pagkapangulo sa 2022 National Elections.

Sa hiwalay na resolusyon, kinumpirma rin ng partido na si Davao City Mayor Sara Duterte ang kanilang magiging vice presidential candidate.


Nagpasa rin ng resolusyon ang partido na nag-ootorisa sa presidente ng partido na si House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez na pumasok sa pakikipag-alyansa sa iba pang mga partido.

Ang tatlong mga resolusyon ay pirmado nina Duterte na siyang Chairman ng Partido, Lakas-CMD Co-Chairperson Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., Romualdez, at iba pang Execom members.

Facebook Comments