Most wanted person sa kasong rape, arestado sa Mandaluyong City

31

Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad makalipas ang isang taong pagtatago sa mga alagad ng batas.

Kinilala ang akusado na si Justine delos Santos.

Si Delos Santos ay inaresto ng mga operatiba ng warrant and subpoena section sa kasong rape na nangyari noong October 20 kasalukuyang taon.


Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Hon. Imelda Portes-Saulog ng RTC Branch 214 Mandaluyong City, inaresto si Delos Santos sa kasong rape.

Nakapiit na sa Custodial Facility Unit ng Mandaluyong City Police Station ang naturang akusado.

Facebook Comments