Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sang ayon na illegalize ang aborsyon sa mga kababaihan na biktima ng karahasan

Pabor si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpasa ng batas na mag-legalize ng aborsyon para sa mga kababaihang biktima ng karahasan o incest.

Ayon kay Marcos, dapat payagan ang legal abortion para sa “very severe cases.”

Aniya, kung mapapatunayan ng isang babae na siya ay ginahasa at hindi consensual sex ang kanyang pagdadalang tao ay dapat bigyan sila ng pagkakataon na makapili kung ipalaglag ito o hindi.


Dapat din aniyang payagan ang aborsyon sa mga ina na walang kakayahan na buhayin ang kanilang anak dahil sa murang edad; kung ito ay may mental deficiencies o hindi kaya emotionally na magkaroon ng anak.

Paliwanag pa ni Marcos na mahalaga na matukoy ang mga kondisyon kung kailan maaaring gamitin ng mga babae ang aborsyon bilang isang opsyon para hindi maipit sa usaping moral.

Facebook Comments