Mayor Isko Moreno, hindi na muna sasalang sa isang interview sa radyo

241

Inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno na nagdesisyon siya na huwag munang sumalang sa isang radio interview.

Ito’y dahil sa dati niyang chief of staff ang station manager nito na si Cezar Chavez.

Ayon kay Mayor Isko, bilang pagpapakita ng delicadeza.


Hindi siya sasabak sa interview ni Chavez upang walang masabi ang publiko at hindi na mabigyan pa ng anumang negatibong interpretasyon ang bawat panig.

Isa rin sa dahilan kaya’t hindi magpapa-interview ang alkalde ay dahil sa baka isipin ng publiko na ang mga itatanong sa kaniya ay pawang mga madadali lamang lalo na’t dati niyang kasama sa trabaho si Chavez.

Pero sinabi ng alkalde na sasabak naman siya sa ibang interview na nakatakda sa February 2 at 4 bukod pa ikakasang one-on-one interview sa kaniya.



Matatandaan naman na nagbitiw sa pwesto si Chavez bilang chief of staff ni Mayor Isko bago pa man nag-anunsiyo ito na tatakbo sa pagka-pangulo kung saan patuloy pa rin ang komunikasyon nila sa isa’t-isa.

Facebook Comments