Presidential aspirant Sen. Panfilo “Ping” Lacson, nanindigang itutuloy pa rin ang kaniyang krusada ngayong halalan 2022

Walang magbabago sa desisyon at paninindigan ni presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” lacson sa kabila ng pagkalas niya sa partido reporma.

Ayon sa tagapagsalita ni Lacson na si dating Congressman Ashley “Ace” Acedillo, itutuloy pa rin ni Lacson ang kaniyang krusada ngayong halalan 2022.

Aniya, si Lacson na mismo ang nagdesisyong magbitiw bilang party chairman kaysa mahati pa ang partido.


Giit pa ni Acedillo, wala sa kanilang mga naging pag-uusap ang ganitong aksyon sa loob ng partido.

Maaari rin aniya na nakikita ng iba na isang unos ang pangyayaring ito sa kampanya ni Lacson, pero para sa kanilang kampo, isa itong oportunidad dahil mas magiging malakas at magkakaroon ng direksyon ang kanilang mga susunod na hakbang.

Sinabi rin ni Acedillo na bilang isang dating sundalo ay napaghandaan na ni Lacson ang ganitong pangyayari tuwing panahon ng eleksyon.

Sa katunayan, kahit pa isa nang independent candidate ay mas lumakas pa ang suporta kay Lacson.

Facebook Comments