Nilinaw ngayon ni presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson na walang red tagging na nangyayari bagkus ipinahayag lamang ng senador ang kaniyang saloobin tungkol sa posibleng mapunta lamang sa coalition government.
Sa ginanap ng presscon sa Zambales, sinabi ni Senador Lacson na nangyari na aniya ito sa nakaraang taon kung saan pinahintulutan ang ibang mga lider na makalabas at makapasok sa gobyerno.
Ikinuwento pa ni Lacson na na-assign siya sa Isabela noon kung saan napansin aniya nito na ang gaganda ng armas ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA), ‘yun umano ang ikinabahala ng senador dahil mayroon siyang karanasan kung saan inihayag lang nito ang kaniyang pag-alala sa bansa.
Paliwanag pa ni Lacson, pagka-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte, naging bahagi ng Gabinete ng pangulo ay mga makakaliwang grupo gaya nina Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano at dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo, kung saan tinanong ng senador ang mga makaliwamg grupo kung kokondenahin nito ang mga ginagawa ng NPA pero hindi makasagot si Secretary Taguiwalo, ibig sabihin aniya ay mayroon pa rin simpatiya ang mga dating Gabinete ng pangulo sa NPA.
Binigyang diin pa ni Lacson na concern lang siya na huwag muling bumalik ang lakas ng pwersa ng NPA na dating mahigit 200 mga guerilla front ay naibaba na sa 43, nangangamba ang senador na makokompromiso ang kapayapaan at kasaganaan ng bansa kapag nagpapatuloy ang kanilang pamamayagpag.