Naniniwala ang isang transport at commuters’ group na makakatulong si presidential candidate Vice President Leni Robredo na maibangon ang transport sector.
Ayon kay Dom Hernandez, Secretary General ng PASADA – Pilipino Society and Development Advocates, kay VP Leni lang nila nakita ang kumpletong plano para sa hanay ng transportasyon.
Kahanga-hanga aniya ang kaniyang pagnanais na ipatupad ang isang economic stimulus package para sa transportation workers.
Gayundin ang mga plano na dahan-dahang ipatupad ang modernisasyon ng industriya habang pinahihintulutan ang sektor ng pampublikong transportasyon na makabangon at lumago.
Suportado rin nila ang plano ni Robredo na magtayo ng commuter-friendly transport infrastructure na makatutulong sa maayos na daloy ng mobility ng mga tao, produkto at serbisyo.