Ilang jeepney driver, hindi na pumasada sa Marikina

48

Pansamantalang hindi na pumapasada ang mga jeepney driver na may maikling ruta sa lungsod ng Marikina.

Ito’y dahil sa patuloy na taas-presyo ng produktong petrolyo.

Sa terminal ng jeep sa Brgy. Sta Elena, naabutan ang ilang ruta na bakante.


Kwento ng mga driver, lugi sila sa krudo kaya naman hindi na muna sila bumabiyahe habang may ilan naman sa kanilang mga kasamahan na bumabiyahe ngunit sa piling oras lang.

Kabilang sa mga mga ruta ng jeep na nabawasan ng biyahe ay ang:

Parang Marikina-Marikina Palengke
Calumpang Marikina- Cubao
Antipolo- Marikina Palengke
Pasig- Marikina



Dahil dito, nahihirapan tuloy ang mga pasahero na naghahanap na lamang ng ibang pang masasakyan.

Facebook Comments