Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ng vice presidential at presidential debates nito sa April 23 at 24.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, may mga nangyari kasi kung kaya’t imposible para sa kanila na maisagawa ang debate sa Sabado at Linggo.
Sa halip, itinakda ang vice presidential debate sa April 30 at ang presidential debate sa May 1.
Una rito, napag-alaman na hindi pa pala bayad ang kumpanyang kinuha ng comelec para mag-ayos ng serye ng debate sa venue nito sa Sofitel Plaza.
Batay sa demand letter ng Sofitel, makailangan beses silang pinadalhan ng tumalbog na tseke ng kinatawan ng kumpanyang Impact Hub.
Sa ngayon, nasa P14 million pa ang utang ng Impact Hub sa Sofitel mula sa kabuuang P20.5 million na usapan sa ilalim ng kontrata.