Inihayag ni Presidential candidate at Senator Panfilo “Ping” Lacson na handa siyang na talakayin ang naturang panukala kay Finance Secretary Carlos Dominguez III na isuspinde ang excise tax sa langis para makatulong sa lahat ng apektado ng oil price hike.
Ayon kay Lacson na kukulangin ang panukala ng Department of Finance (DOF) na magbigay ng ₱200 ayuda kada buwan sa pamamagitan ng unconditional cash transfer.
Paliwanag ni Lacson na mas praktikal aniya ang suspendihin ang excise tax kapag umabot na ang presyo ng langis sa limit at ipatupad nalang ulit ito kapag bumaba na sa itinakdang threshold ang presyo ng langis.
Ibinahagi rin ni Lacson na bagama’t aabot sa ₱131 bilyon ang mawawalang kita ng gobyerno sa oras na suspendihin ang excise tax, umaasa siyang hindi naman tatagal ang ganitong sitwasyon na bunsod ng tensyon sa Ukraine.