Pagpapataw ng 5% sa savings ng mga ahensya ng gobyerno, inirekomenda ng isang kongresista para pandagdag sa ayuda

95

Iminungkahi ni dating Speaker at Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano na patawan ng 5% sa savings ang lahat ng ahesya ng gobyerno.

Ang halagang malilikom mula sa pondong natipid ng ahensya ay maaaring gamitin na dagdag pang-ayuda sa mga Pilipinong apektado ng serye ng pagtaas sa presyo ng langis.

Sakaling maipataw ang pagbibigay ng 5% sa savings ng mga government agencies ay makakalikom ang pamahalaan ng ₱250 billion.


Maaari aniyang makapamahagi ang gobyerno ng ₱10,000 financial aid sa bawat pamilyang Pilipino at may matitira pang ₱50 billion mula rito bilang standby funds.

Sinabi pa ng kongresista na napakaliit lang ng 5% sa savings ng mga kagawaran kaya tiyak naman na walang magrereklamo.

Suportado naman ng mambabatas ang pagbibigay ng ₱200 na monthly subsidy sa kada household ng mga mahihirap na pamilya ngunit may mas magagawa pa rito ang pamahalaan.



Facebook Comments