Presidential candidate Senador Panfilo Lacson, hindi hihingi ng public apology dahil hindi siya nanawagan na umatras si VP Leni Robredo

Naninindigan si presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi siya hihingi ng tawad o public apology dahil hindi naman siya kasama sa mga nanawagan na umatras sa pagtakbo ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Ginawa ni Lacson ang pahayag sa isinagawang press conference sa Munisipalidad ng Pilar sa lalawigan Capiz.

Matatandaan na humingi ng paumanhin si presidential candidate Norberto Gonzalez matapos na susugan ang panawagan ni presidential aspirant Mayor Isko Moreno na mag-withdraw si VP Robredo sa pagtakbo.


Paliwanag ni Lacson ang kanyang hangarin kaya dumalo sa Unity Presscon ay upang iparating sa publiko na wala sa kanilang mga kandidato sa pagkapangulo ang aatras sa laban sa kabila na may lumalapit sa kanila mula sa kampo ni Robredo na umatras na sa laban at suportahan na lamang ang pangalawang pangulo.

Dagdag pa ni Lacson na kahit siya ay nagulat sa panawagan ni Mayor Isko kaya sila nagpatawag ng ambush interview para linawin na yun ay sariling opinyon lamang ni Yorme at hindi ng lahat ng dumalo sa Unity Presscon.

Facebook Comments