Presidential candidate Senador Ping Lacson, ibinunyag na may death threat sa mga dadalo sa rally sa Abra

Ibinulgar ni presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson na nagsumbong sa kaniya ang kaniyang coordinator kung bakit kakaunti lamang ang dumalo sa kaniyang town hall meeting kumpara sa Tarlac City na dinumog sina Lacson at ang kaniyang running mate na si vice presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Inamin ni Lacson sa harap ng mga media sa isinagawang ambush interview sa Abra na nagsumbong sa kaniya ang coordinator na may pagbabanta sa mga dadalo sa kanilang town hall meeting kaya’t hindi gaano karami ang mga dumalo kahapon.

Paliwanag pa ni Lacson, nabanggit sa kaniya na may takot pa rin ang mga tao sa naturang lalawigan dahil nga sa mga pagbabanta tuwing panahon ng halalan.


Subalit iginiit ni Lacson, kaniya pa rin itong aalamin kung may katotohanan ang sumbong sa kaniya ng kanilang mga coordinator o gawa-gawa lamang.

Hiniling din ni Lacson sa PNP sa lugar kung may katotohanan ang sumbong sa kaniya, para agad na maipaalam sa Commission on Election ang takot na nadarama ng mga botante ng lugar.

Facebook Comments