Presidential candidate Senador Ping Lacson, nanawagan na itigil na ang kultura ng gantihan sa panahon ng eleksyon

Hinihiling ni presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson na tapusin na ang kultura na gantihan sa panahon ng eleksyon.

Sa kaniyang pagbisita sa lalawigan ng Abra sa isinagawang ambush interview sa mga mamamahayag, sinabi na Lacson na dapat matigil ang kultura na gantihan sa panahon ng halalan.

Matatandaan na kilala noon ang Abra na isa sa mga itinuturing na hot spot ng Commission on Elections (COMELEC) tuwing halalan dahil sa mga insidente ng karahasan na may kaugnayan sa politika na tila nagkakaroon ng gantihan ang mga katunggali.


Pero sinabi ni Lacson, kumpara noon ay hindi na ngayon kasama ang Abra sa itinuturing na election hotspot dahil sa unti-unti nang nababago ang sistema ng politika sa naturang lalawigan.

Paliwanag pa ni Lacson na hindi lamang sa mga magkakatunggali na mga politiko ang may kultura ng vengeance o paghihihanti.

Dagdag pa ni Lacson na may ganoon din na pananaw sa pagitan ng mga botante at kandidato kung saan iniisip ng ilang mga botante na 45 days lang naman ang pagkakataon kaya sinasamantala nila ang mga ibinibigay na pabor ng isang politiko o kandidato.

Sa pananaw naman aniya ng politico, 45 araw lang naman silang uutuin pero tatlong taon naman silang makakaganti sa mga botante at kikita sa kaban ng bayan.

Ito aniya ang kultura na nais na maalis ni Lacson sa isipan ng bawat isa upang mabago na ang sistema ng politika sa bansa at magtuloy-tuloy na ang pag-unlad ng Pilipinas.

Facebook Comments