Commuters na napagsilbihan sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3, higit 11 milyon na – LTFRB

58

Nakapagtala na ng kabuuang bilang na 11,303,887 na commuters sa buong bansa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3.

Sa ikatlong pagkakataon, ipinatutupad ang programa sa National Capital Region o NCR-EDSA Busway Carousel, Region 1 hanggang Region 12, NCR, CARAGA at CAR.

Bilang karagdagan, nagbukas din ng rutang PITX-NLET, at Cubao-NLET para sa mga mananakay na patungo at palabas ng Metro Manila mula Region 1, Region 2, Region 3 at CAR.


Pagtiyak pa ng LTFRB, asahan pa raw ang pagbubukas ng mga karagdagang ruta at pag-arangkada ng mga karagdagang PUV Unit para sa Libreng Sakay sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments