Naninindigan si presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson na ang paglantad nila sa publiko ay tungkol sa pagpilit sa kaniya na umatras sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa.
Ayon kay Senador Lacson, wala siyang ibang hangarin kundi ipaliwanag sa mga botante na hindi kailanman aatras sa anumang laban partikular na ang pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas.
Paliwanag ng beteranong senador, kalayaan ng mga botante kung sino ang kanilang napipisil na maging pangulo ng bansa.
Dagdag pa ni Lacson na mas mainam na umano at mayroon siyang kasama na humarap sa publiko noong linggo kung saan katulad niya ay kinausap din na umatras sa laban para palabasin sa taumbayan na dalawa lang ang maglalaban sa dartaing na halalan.
Binigyang diin pa ni Lacson na wala silang ibang hangarin sa paglalantad sa publiko ng kanilang mga naranasan mula sa kampo ni Vice President Leni Robredo kundi mabigyan lamang ng impormasyon ang taumbayan na hindi dalawang kandidato lang ang naglalaban sa halalan kundi sampu sila na tumatakbong pagkapangulo ng bansa.