Pangulong Duterte, muling i-eendorso ang mga kapartido sa campaign rally na idaraos mamaya ng PDP-Laban

208

Dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) campaign rally mamayang gabi.

Gaganapin ang nasabing campaign rally ng ruling party sa Congressional Road, Caloocan City.

Inaasahang isa-isang ikakampanya ng pangulo ang senatoriables ng PDP-Laban kabilang na ang ilang tumatakbo sa local positions.


Noong nakaraang Martes, Abril 12 sa Agusan del Norte huling ikinampanya ng pangulo ang mga kandidato ng PDP-Laban sa pagkasenador.

Tulad nang nakagawian, senatorial ticket lamang ang inendorso ng pangulo at walang ikinampanya sa pagkapangulo.

Facebook Comments